By My High Blood-Self
11-12-11 6:02PM
Linta ka ba?
Bakit?
Sipsip ka kasi.
Pwede bang magtanong? Ano ang pakiramdam mo ng mabasa
mo ang banat sa taas? Kung wala lang, congrats! hindi ka siguro linta. Pero
kung nasaktan ka, sapol! Ikaw na!
Ako high-blood.In fact, bad trip. May trauma kasi ako
sa mga linta (both yung animal at nag-aasal animal), kaya naisip kong manabon
sa pamamagitan ng article na ito.Takot kasi ang linta sa sabon.
Ano nga ba ang linta at bakit ako bwisit na bwisit ?
Ang linta ay maliliit na hayop na parang uod na
nakatira sa tubig. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagkapit sa ibang hayop at
pagsipsip ng dugo nito. Masakit at nakakatakot na makagat ka nila. Nakagat na
ako at masasabi kong nakakatrauma. Mula noon hindi na ako lumulusong sa mga tubig na medyo malalabo at hindi
umaagos. Madalas doon kasi sila nakatira.
Ang katangian ng linta na sumipsip ay ginagamit na
ngayon sa tao.
Ito yung mga taong wala ata sa diksyunaryo nila ang
salitang HIYA. Sila yung malakas kay boss, kaya sa linya nila lagi na atang
nakasunod ang salitang ‘boss’, sample;
“sabi ni boss, pinapagawa ni boss, pinapamadali ni boss etc.”
Pero bago pa nila maging malakas ki boss may mga
dakilang steps muna silang gagawin.
Una, Dakilang Tagasumbong. Tila CCTV sila sa
pagmanman sa lahat ng kilos mo nang mahanapan ka ng mali na maisusumbong kay
Boss.
Ikalawa , Dakilang Mapagbigay. Generous naman talaga
siyang tao kaya lang pagdating ki boss eh ‘over’ naman ata sa pagka-generous
kasi lagi siyang may regalo sa lahat ata ng naimbentong okasyon sa mundo.
Mantakin mo ha, pati Independence Day!
Ikatlo, Dakilang ‘Plastic’. Lagi silang nakangiti,
friendly at super bait na parang angel na i-si-shhhhh ka kapag nag-over ang
volume ng boses mo sa one kapag andyan si Boss. Pero kapag wala naman si boss
siya yung 3WPS (words per second) ang bilis sa pagsasalita na nasa 100% volume
pa ata. Usually, puro tsismis lang.
Ikaapat, Dakilang Kalabaw. Sobra sobrang workload ang
makikita mo sa kanyang mesa lalo na kapag malapit na ang uwian. Ang resulta
mag-o-overtime siya (with pay ha) obcourse kasama ni boss libre na ang dinner,
makakapagpakitang gilas pa siya. Ang hindi alam ni boss, wala naman talaga
siyang ginawa maghapon kaya tambak ang trabaho niya sa mesa.
Ika-lima, Dakilang Guardian Angel (Devil). Lagi
siyang nakabuntot ki boss sa lahat ng lakad nito para umalalay. Linya niya yung
“may kailangan ba kayo boss?”
At ang pinakahuli at pinakadakilang step sa lahat,
Dakilang Matsing. Bukod kasi sa natural na sa kanila ang manlamang ay
matatalino din sila lalo na kapag kaharap ni boss. Kahit di nila gawa ay
aankinin kapag nagandahan si boss pero kapag napangitan naman eh linya niya
yung “eh
si ____ lang po ay may gawa niyan. Sabi
ko naman kasi pangit etc.”
Oh ano may mga tao ka bang kilala na asal ganito?
Ako, sa humigit kumulang na dalawamput apat na taon ko dito sa mundo marami na.
Nung nag-aaral pa ako pinapalampas ko lang. Pakiramdam ko kasi eh hindi naman
ako masyadong apektado. Kapag nag-aral ka ng mabuti hindi ka ibabagsak ni
Teacher kahit paborito pa niya si Leech. Hindi madadaya ang grades mo. Pero
ngayong nagtatrabaho na ako iba na ang kalakaran. Kahit na magkayod kalabaw ka,
sila pa rin ang nauunang umakyat sa posisyon at magmamando sayo (sabagay dun
sila magaling). Kaya dumating ako sa puntong gusto ko nang sumabog. Kaya lang
nakaka-walang dignidad naman kung hahamunin ko sila ng bugbugan o balitaktakan.
Nakakalungkot man kasing isipin, ang ilan sa kanila ay kaibigan ko. Ang ilan ay
unaware, ang ilan ay aware at tila proud pa. Ang mas nakakalungkot pa wala
akong lakas na komprontahin sila. Baka kasi mamis-interpret ako. Ayaw ko
makasakit. Mahal ko sila. Kaya minarapat kong iparating na lamang ang aking saloobin
sa pamamagitan ng paglikha ng artikulong ito, baka sakaling mabasa. At malay
ko, pagkatapos nito in good mood na ulit ako. Ganito kasi ako, hindi palasalita
kaya stress-reliever ko ang pag-sulat. Bukod kasi sa narerelax ako, malayo pa
sa away at gulo. Hihintayin ko na lang na marinig ng langit ang aking hinaing.
Pero a piece of unsolicited advice lang ‘pre:
Kung hindi ka asal linta (palakpakan) humahanga ako
sayo. Ipagpatuloy mo yan. Darating ang araw na makikita ang iyong pagsisikap at
magtatagumpay ka. Tagumpay na hindi kinukwestyon at iginagalang ng lahat.
Kung isa kang asal linta, utang na loob, may panahon
pang magbago. Huwag mo ng hintayin na makarating sa langit ang hinaing ng mga
taong aba. Mas masarap namnamin ang tagumpay kung walang mga taong naapakan mo
ang sinusumpa ang iyong pagkatao.
At higit sa lahat kung isa kang BOSS, Sir/Ma’am huwag
niyo ng i-enteratin ang mga leeches. They are parasites at kapag sila ang
pinapamuno niyo, isang araw baka malugi ang negosyo dahil hindi naman pala sila
karapat-dapat sa posisyong ibinigay niyo.
Hanggang dito na lang siguro.
Salamat, magaling na ako.