About the Blog Name

Raconteur is another word for story-teller. In Jueteng (a Filipino number game of chance), 11 is a number for soul. So literally, The Raconteur 11 means The Storyteller's Soul.

Friday, May 4, 2012

LEECHing LINTA



By My  High Blood-Self
11-12-11 6:02PM
Linta ka ba?
Bakit?
Sipsip ka kasi.

Pwede bang magtanong? Ano ang pakiramdam mo ng mabasa mo ang banat sa taas? Kung wala lang, congrats! hindi ka siguro linta. Pero kung nasaktan ka, sapol! Ikaw na!

Ako high-blood.In fact, bad trip. May trauma kasi ako sa mga linta (both yung animal at nag-aasal animal), kaya naisip kong manabon sa pamamagitan ng article na ito.Takot kasi ang linta sa sabon.

Ano nga ba ang linta at bakit ako bwisit na bwisit ?

Ang linta ay maliliit na hayop na parang uod na nakatira sa tubig. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagkapit sa ibang hayop at pagsipsip ng dugo nito. Masakit at nakakatakot na makagat ka nila. Nakagat na ako at masasabi kong nakakatrauma. Mula noon hindi na ako lumulusong  sa mga tubig na medyo malalabo at hindi umaagos. Madalas doon kasi sila nakatira.

Ang katangian ng linta na sumipsip ay ginagamit na ngayon sa tao.

Ito yung mga taong wala ata sa diksyunaryo nila ang salitang HIYA. Sila yung malakas kay boss, kaya sa linya nila lagi na atang nakasunod ang salitang ‘boss’, sample;  “sabi ni boss, pinapagawa ni boss, pinapamadali ni boss etc.”
Pero bago pa nila maging malakas ki boss may mga dakilang steps muna silang gagawin.

Una, Dakilang Tagasumbong. Tila CCTV sila sa pagmanman sa lahat ng kilos mo nang mahanapan ka ng mali na maisusumbong kay Boss.

Ikalawa , Dakilang Mapagbigay. Generous naman talaga siyang tao kaya lang pagdating ki boss eh ‘over’ naman ata sa pagka-generous kasi lagi siyang may regalo sa lahat ata ng naimbentong okasyon sa mundo. Mantakin mo ha, pati Independence Day!

Ikatlo, Dakilang ‘Plastic’. Lagi silang nakangiti, friendly at super bait na parang angel na i-si-shhhhh ka kapag nag-over ang volume ng boses mo sa one kapag andyan si Boss. Pero kapag wala naman si boss siya yung 3WPS (words per second) ang bilis sa pagsasalita na nasa 100% volume pa ata. Usually, puro tsismis lang.

Ikaapat, Dakilang Kalabaw. Sobra sobrang workload ang makikita mo sa kanyang mesa lalo na kapag malapit na ang uwian. Ang resulta mag-o-overtime siya (with pay ha) obcourse kasama ni boss libre na ang dinner, makakapagpakitang gilas pa siya. Ang hindi alam ni boss, wala naman talaga siyang ginawa maghapon kaya tambak ang trabaho niya sa mesa.
Ika-lima, Dakilang Guardian Angel (Devil). Lagi siyang nakabuntot ki boss sa lahat ng lakad nito para umalalay. Linya niya yung “may kailangan ba kayo boss?”

At ang pinakahuli at pinakadakilang step sa lahat, Dakilang Matsing. Bukod kasi sa natural na sa kanila ang manlamang ay matatalino din sila lalo na kapag kaharap ni boss. Kahit di nila gawa ay aankinin kapag nagandahan si boss pero kapag napangitan naman eh linya niya yung  “eh si ____  lang po ay may gawa niyan. Sabi ko naman kasi pangit etc.”

Oh ano may mga tao ka bang kilala na asal ganito? Ako, sa humigit kumulang na dalawamput apat na taon ko dito sa mundo marami na. Nung nag-aaral pa ako pinapalampas ko lang. Pakiramdam ko kasi eh hindi naman ako masyadong apektado. Kapag nag-aral ka ng mabuti hindi ka ibabagsak ni Teacher kahit paborito pa niya si Leech. Hindi madadaya ang grades mo. Pero ngayong nagtatrabaho na ako iba na ang kalakaran. Kahit na magkayod kalabaw ka, sila pa rin ang nauunang umakyat sa posisyon at magmamando sayo (sabagay dun sila magaling). Kaya dumating ako sa puntong gusto ko nang sumabog. Kaya lang nakaka-walang dignidad naman kung hahamunin ko sila ng bugbugan o balitaktakan. Nakakalungkot man kasing isipin, ang ilan sa kanila ay kaibigan ko. Ang ilan ay unaware, ang ilan ay aware at tila proud pa. Ang mas nakakalungkot pa wala akong lakas na komprontahin sila. Baka kasi mamis-interpret ako. Ayaw ko makasakit. Mahal ko sila. Kaya minarapat kong iparating na lamang ang aking saloobin sa pamamagitan ng paglikha ng artikulong ito, baka sakaling mabasa. At malay ko, pagkatapos nito in good mood na ulit ako. Ganito kasi ako, hindi palasalita kaya stress-reliever ko ang pag-sulat. Bukod kasi sa narerelax ako, malayo pa sa away at gulo. Hihintayin ko na lang na marinig ng langit ang aking hinaing.

Pero a piece of unsolicited advice lang ‘pre:

Kung hindi ka asal linta (palakpakan) humahanga ako sayo. Ipagpatuloy mo yan. Darating ang araw na makikita ang iyong pagsisikap at magtatagumpay ka. Tagumpay na hindi kinukwestyon at iginagalang ng lahat.

Kung isa kang asal linta, utang na loob, may panahon pang magbago. Huwag mo ng hintayin na makarating sa langit ang hinaing ng mga taong aba. Mas masarap namnamin ang tagumpay kung walang mga taong naapakan mo ang  sinusumpa ang iyong pagkatao.

At higit sa lahat kung isa kang BOSS, Sir/Ma’am huwag niyo ng i-enteratin ang mga leeches. They are parasites at kapag sila ang pinapamuno niyo, isang araw baka malugi ang negosyo dahil hindi naman pala sila karapat-dapat sa posisyong ibinigay niyo.

Hanggang dito na lang siguro.
Salamat, magaling na ako.

5 comments:

  1. ganda naman po ng article nyo... pa-share po sa fb ko ha.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for the compliment...and sure you're very free to share it :)

      Delete
  2. i love it teh..---khier

    ReplyDelete
  3. Thank You and I have a neat proposal: House Renovation What Order house reno on a budget

    ReplyDelete

Please leave some comments.